“Ano
ang Pangarap mo?”
Ito lagi ang kadalasan na tinatanong nung bata pa ako. Sa totoo lang ang
dali lang ito sagutin nung bata ako,
hindi ko talaga kailangan isipin. Ang laging sagot ko ay ang mga karaniwang mga
sagot ng isang batang sobrang taas magarap.
Ano ba ang pangarap? Sabi ni
Cinderella, “a dream is a wish that your heart makes”. Ang ibig sabihin ay kung
ano daw ang hinihiling ng iyong puso ay iyon rin ang iyong pangarap. Masasabi
natin na totoo ito dahil hindi naman tayo mangagarap kung hindi talaga natin
gusto. Ang mga totooong pangarap natin ay gustong-gusto natin matupad dahil ito
ang magpapasaya ng sobra sa atin.
Nakakatuwa isipin na lahat tayo mahilig mangarap dahil ito ang nagbibigay
ng lakas sa atin magpursigsi sa buhay. Nakakatuwa isipin na nung bata tayo
naranasan natin mangarap ng sobraang taas. Pag bata tayo ang taas natin
mangarap dala siguro ng mg pinapanuod o binabasa natin na mga storya na may
happy ever after.
HAPPY
EVER AFTER. Noong bata ako nangangarap ako na sana may genie namagtatanong sa akin ano ang tatlong kahilingan ko at tutuparin niya ito o di
kaya sana may fairygod mother rin ako na sosolusyonan ang mga problema ko at
iparamdam na princessa ako, gusto ko rin ng prinsipe na gagawin lahat para sa
akin at maging katulad ni Mulan na sobrang tapang at gagawin lahat para sa
pamilya niya.
Isa rin sa mga
pangarap ko noong bata pa ako at hanggang ngayon ay maging isang lawyer dahil sa
lolo ko. Ang lolo ko ay isang lawyer, kaya naman sabi ko nung bata ako gusto ko
maging katulad niya. Ang gandang pakingan na isa kang lawyer. Isa itong dream
job para sa akin nung bata ako kasi mahirap ang kailangan danasan para maging
isang lawyer. Hindi ko talaga alam bakit pero bata pa lang ako gusto ko manuod
ng news lagi, Interesado ako sa history at current events at lagi ako
nagdedebate sa lolo ko, pero ngayong
matanda ko lang narealize kung bakit gusto ko talaga maging lawyer.
PANGARAP KO MAGING ISANG LAWYER. Ito talaga ang gusto ko dahil
alam ko pag-naging magaling ako na lawyer maraming tao ako matutulungan hindi
lang ang pamilya ko. Meron mga panahon na sinasabi ko sa sarili ko kung
kakayanin ko ba maging isang lawyer o baka naman bumagsak lang ako. Pero ang
pamilya ko ang nagsasabi sa akin na makakaya ko mgaing lawyer kailangan ko lang
mag-sipag at mag-aral ng mabuti. Sobrang saya isipin na may mga taong nainiwala
na makakaya ko abutin ang aking pangarap. Dahil dito, mas lalo ako naganahan
matupad ang aking pangarap. Hindi rin ako nawawalan ng pag-asa dahil alam ko
pag-may may ginagawa ako para matupad ang pangarap ko tutulungan ako ng
Panginoon para maabot ko iyon. Sabi nga nila, “Do your best and God will do the
rest”.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento