“So now you make me look like I’m a liar? AMALAYER? so you’re telling me AMALAYER? AMALAYER?” Ito ang linya na naging usap-usapan ng mga tao kamakailan lamang.
Sa panahon natin ngayon sobrang uso at advance na ang teknolohiya. Ako ay isang tao na mahilig mag twitter. Noong November 14, 2012, binuksan ko ang aking twitter account at napansin ko ang isa sa mga trending topic ay #AMALAYER. Nang makita ko ang hashtag na ito napaisip ako kung tungkol saan at ano ba ito. Dahil sa aking curyosidad inalam ko talaga kung bakit ito pinaguusapan ng mga tao at kung ano ba ito. Sa pagsasaliksik ko sa twitter nakita ko ang link sa isang video ng #amalayer. Pinanuod ko ang video at nakita ko sa video na sa isang LRT station gumawa ng eksena ang isang estudyante dahil sinisigawan niya ang isang lady guard. Makikita sa video na sinisigawan at pinapahiya ng estudyante ang guard sa pamamagitan ng pagtaas ng tono ng boses niya at nagsasalita pa siya ng ingles habang inaaway ang guard. iMakikita rin sa video na ang English ng estudyante ay mali-mali. Mali ang pagbigkas niya ng “I’m a liar” na siguro isa sa mga dahilan kaya ang video ay naging viral at pinaguusapan ng tao. Pagkatapos ko panuorin ang video, binasa ko ang mga komento ng mga tao na nakapanuod na ng video na ito. Sa mga komento nila naipakita sa kanila ng video na ung estudyante ay bastos, walang galang sa lady guard, mataray, mayabang, feelingera kala niya kung sino siyang mataas o importante na tao at ung iba naman ay iniisip na malaking katatawanan ang estudyante na ito at parang walang pinag-aralan. Nakita ko ang tweets ng mga artista tungkol sa video na ito. May mga artista na ginwa lang itong joke at may iba naman na nalungkot sa mga kinilos ng estudyante. Pero napaisip ako kung ano talaga ang nagyari kasi ang pinapakita lang sa video ay nung sumisigaw na ang estudyante at hindi niya rinerespeto ang lady guard na dahilan ng pagkagalit ng maraming tao sa estudyante. Ang gusto ko malaman ay kung bakit niya ito ginawa? Ano ba talaga ang dahilan kung bakit siya nagwala at gumawa ng eksena sa LRT? May ginawa ba talagang mali ang lady guard?
Ang dami pa rin mga tanong sa isip ko pagkatapos ko panuorin ang video kaya kinabukasan sinubukan ko alamin ang storya ng estudyante. Sa aking pagsasaliksik sa google, nalaman ko na ang pangalan ng estudyante na nagwala ay si Paula Salvosa. Nahanap ko rin sa internet ang interview niya sa GMA news tungkol sa panig niya ukol sa pangyayari. Nang panuorin ko ang interview sa kanya sa laptop ko, sinasabi niya na doon sa bag checker hinablot siya ng gaurd at sabi na mag usap sila sa loob ng opisina ng boss niya at nung papaunta na sila doon, nagsimula si Salvosa nanigaw sa lady guard. Sinabi ni Salvosa na mahirap ang pinagdaanan niya ngayon dahil sa “cyber bullying”. Inamin din niya na mali ang kinilos niya pero mali rin na ganito ang ginawa sa kanya at pinost pa ang video. Sabi naman ng lady guard na nagsorry siya kung may nagawa siyang pagkakamali kay Salvosa. Para sa akin, nakakalunkot na naging katatawanan nalang ng iba ang issue na ito. Sana ang issue na ito ay makapagbigay aral sa mga tao na bago tayo gumawa ng kahit ano, isipin muna natin kung ano ang magiging epekto ng gagawin natin.