Huwebes, Marso 14, 2013

May Kulang kaya B+


            Ang advisory grade ko ay B. Pagkatapos nun lahat na kinailangan na gawin na papel ay nagawa ko at masasabi ko na lahat iyon ay pinaghirapan at pinagisipin ko. Sa tingin ko mataas ang mga marka ko dito kahit alam ko na hindi talaga ako mahusay magsulat o gumawa ng blog post. Sa klase na ito, nag-improve ang pagsusulat ko at masaya ako na nasasabi ko ang aking mga opinion sa mga bagay bagay katulad ng “amalayer” na isue at pagkukuwento ko na aking pangarap nung bata ako. Pero paborito ko ang pagmumuni na post na kahit ano ang topic dahil para sa akin mas maraming bagay ako naipamahagi tungkol sa aking sarili.

         Naniniwala ako sa kasabihan na “pag may tiyaga may nilaga”. Sa tingin ko na ang dapat na grado ko sa Fil 12 ay B+ dahil iyon sa lahat ng effort ko na gawin lahat ng pinapagawa kahit na bonus lang. Masasabi ko na sa buong sem, wala akong absent at late. Hindi yun naging madali sa akin pero sinikap ko talaga na hindi tamarin pumasok lagi. Ginawa ko ang mga bonus paper na labaw donggon at isang MMFF blog post.

        Alam ko na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para bigyan ng mataas na marka ang aking TED talk. Pinili ko gumawa ng video kahit hindi talaga ako marunong mag-edit pero pagsisikapan ko talaga naging maganda ito para karapat-dapat bigyan ng marka na A.

Bakit B+ lang?( Hindi lang ang B+, Ang taas nun!)
          B+ lang ang sa tingin ko na final na marka dahil may isa akong pagkukulang. Hindi ako masyado nag tweet o nag facebook status lagi. Un lang sa tingin ko ang pagkukulang ko at sa isang quiz sobrang baba ng grado ko kaya kung wala ang perfect attendance B lang ako, pero dahil sa perfect attendance B+. Kahit may mga unti akong pagkukulang mas-marami naman ako nagawa at marami akong effort para gawin lahat ang mga requirements na pinapagawa. Alam ko rin sa sarili ko na lahat ng natututnan ko sa klase na ito ay ma-aapply ko sa ibang mga bagay at sa tingin ko importate rin un dahil dapat hindi matatapos ang isang sem na wala ako natutunan dahi MERON TALAGA. Matutuwa po talaga ako kung B+ ang nakuha ko dahi ito para sa akin ang karapat-sapat na grade sa akin.

              Siyempre hindi ko matatangi na kung maari gusto ko talaga A, pero hindi sapat ang sipag at tiyaga ko sa A dahil hindi may kaya pa sana ako gawin upang itaas ang B+. Pero sa totoo lang sobrang saya ko at tatanggapin ko ng buong puso ang B+ dahil grabe ang taas na un at alam ko nag-improve talaga ako sa klase na ito. Pero siyempre ito naman ay sa aking palagay lamang, sa huli ang guro parin ang magdedesiyon.


  



Miyerkules, Marso 13, 2013

"Until I met you"

      “Until I met you” ang pamagat ng Pinoy romance novel na binasa ko na sinulat ni Sophia Beatriz. Ito ang binili ko na pocket book dahil habang na sa national ako hindi ko alam ano pipiliin ko, halos lahat ng cover page ng mga libro ay pare-pareho. May isang bidang lalaki at bidang babae ang laging cover page at nakakatawa ung mga ibang pamagat. Dahil hindi ko alam pipiliin ko,  inoobserbahan ko ang isang nakaunipormeng estudyanteng babae kung ano bibilhin niya kaya nung umalis siya,  kung anong libro kinuha niya yun na rin ang pinili ko basahin at  nagulat rin ako na 32 pesos lang ang libro. Naisip ko na kaya pala mabenta ang mga romance pocket book sa mga pinoy ay makakabasa ka na ng love story sa murang presyo nito.

           Ang libro ay napaka-iksi lang. Natapos ko ito basahin sa loob ng isang araw lang. Ang storya ay tungkol sa isang babae na ang nais ay mapasaya ang may 2nd stage breast cancer ang kanyang nanay. Ginagawa niya lahat ng makakaya niya para kumbinshen ang isang nag retiro na sikat na singer na kumanta sa surprise birthday party na gagawin niya para sa kanyang nanay. Ayon sa libro ang singer na ito ay sobrang guwapo at nagtatago sa mga tao pagkatapos ng kanyang showbiz at singing career kaya naman mahirap na kumbinsehen siyang pumayag. Pumayag ito sa huli ngunit may mga kondisyon at pag hindi ito natupad gagawin niyang katulong ang babae o hindi kaya kunin ang flower shop niya na sobrang mahal niya.

       At siyempre, ano nangyari? E di naging katulong siya ng dalawang buwan para sa lalaki at dun nag-umpisa ang typical love story nila…Sa una pareho sila masungit sa isa’t-isa. Kunware deadma si babae, pero sa totoo lang kilig na kilig. Si lalakeinaman kala mo kung sino makapag-utos at sobrang sungit kay babae pero sa totoo lang gusto niya ito. At siyempre pagkatapos magka-aminan.

         Ano susunod? MAY CONFLICT… kailangan nila hindi magkita muna dahil may kailangan asikasuhin na mga issue si lalaki at gusto niya protektahan si babae kaya hindi dapat sila magkita. Sa huli, bumalik si lalaki at nag-propose kay babae. HAPPY EVER AFTER ANG ENDINGJ

        Sa totoo lang maganda naman ang pagkasulat ng kuwento na ito. Isang napansin ko ang paghahalo ng wikang tagalog at English. Halos taglish ang ginamit ng awtor sa pagsulat ng libro na ito. Para sa akin ang natural ng pagkasulat, nag enjoy ako basahin ito kahit alam ko naman na happy ang ending.  Gumamit ang awtor ng mga salita katulad ng HD o hidden desire at iba pa na salita na tama lang sa panahon natin ngayon. Para sa akin may aliw factor ang libro na ito at medyo modernong pagsusulat na dahil hindi na ang tipong typical na mga karakter na hardinero, doctor, may-ari ng hacienda. Mas nakakarelate na ang mga ito sa mga kabataan ngayon. Mas magugustuhan nila ito dahil pakikiligin sila at sa murang presyo langJ

Labaw Donggon


  “Grabe naman sobrang mahal” Ito ang una ko na naisip ng malaman na 300 pesos ang dula na “Labaw Donngon”. Kaya naman inaasahan ko talaga na magagandahan ako sa dula dahil mahal nga ang ticket para makanuod nito. Pagkatapos ko panuorin ang dula, napabilib naman ako sa husay nito at naisip          “Tama, sulit ang 300 pesos ko”.

“Bakit Sulit?”
         Bilang isang tao na mahilig manuod ng mga dula, napabilib na ako sa lugar kung saan ginanap ang dula. Grabe ang ganda talaga ng set design. Iniisip ko, “paano nila nagawa iyon sa Cervini field? Napakahusay!” Ang ganda rin ang pag-gagamit ng mga ilaw lalo na ang mga spotlight sa mga karakter sa dula. Masasabi mo na talagang pinaghandaan ang dula nito.

Ang kaibigan ni Labaw
        Magagaling ang mga aktor at actress pero ang tumatak talaga sa isip ko ay ang tao na gumanap bilang kaibigan ni Labaw. Bago pa man magsimula ang dula, kinakausap niya ang mga tao bago mag-umpisa. Nakakatawa siyang karakter sa dula. Mahirap panindigan ang karakter na iyon dahil pagtatawanan ka talaga pero ang galing niya dahil sobrang wala siyang hiya at todo-performance kaya naman marami ang napatawa niya.
     
Ang mga sayaw
       Wala ako halos masabi dito kung hindi “grabe, ang galing!” Alam na alam mo sobrang praktisado sila dahil sabay –sabay sila at alam talaga nila ang ginagawa nila at isa itong factor kaya entertaining ang dula dahil hindi lang siya puro acting at kanta may sayaw pa.

Storya ng Labaw Donggon
         Kung pag-uusapan naman ang storya, hindi ko ito masyado nagustahan pero naging interasado pa rin naman ako dito dahil pinapakita nito ang kultura ng isang komunidad ng lumang panahon o mga pamumuhay at mga kultura ng mga katutubo noon. Ayaw ko lang talaga nag panininawala nila na kailangan ng tatlong asawa ni Labaw.

          Pero sa pangkahalatan, maganda ang dula dahil nag-enjoy ako manuod kahit mahal ang ticket at gabi na ito natapos

Napakahusay


           Sa dinaluhan ko na “Filipino writers in Media Now” talk na ginananap sa Escaler Hall, napahanga ako sa mga kuwento ng tatlong tagapagsalita na sila Ma. Ceres Doyo, Jo-ann Manglipon at Marites Vitug. Napahanga nila ako sa mga kuwento nila tungkol sa mga karanasan nila bilang isang writer lalo na sa media. 

           Sa totoo lang kala ko hindi ako magiging interesado dahil wala naman akong hilig sa pagsusulat pero ng magsimula mag-salita si Ms. Ceres Doyo at mga nagawa niya na sa larangan ng journalism o pagsusulat, nainganyo ka talaga making.

  “Better dead than read: The years of writing dangerously”
           Ito ang title ng powerpoint ni Ms. Doyo. Hindi ko inakala na hindi madali maging isang writer, lalo na maging isang journalist. Sa kuwento ni Ms. Doyo ikinuwento niya ang panahon ni Ferdinand Marcos at ang hirap magsabi o magsulat tungkol sa katatohanan lalo na kung mapapahamak ka pag sinabi o nagsulat ka ng totoo na ipapahamak ni Marcos. Kaya naman, saludo talaga ako sa mga journalist na walang ginawa kung hindi magsulat ng katotohanan at hindi natatakot dahil alam nila na mali na ang ginagagawa ng gobyerno.

Ang Hirap kapag kalaban mo artista
   Katulad ni Ms. Ceres Doyo, si Ms. Jo-ann Manglipon rin ay may karanasan sa panahon ng “Marcos dictatorship”. Noong siya ay 23 taong gulang pa lang, nakulong na siya dahil sa pagsususlat. Bukod pa diyan, nagkuwento rin siya tungkol sa pagdemanda sa kanya ni Claudine Barretto tungkol sa article niya tunkol kay Claudine at sa kasintahan na Rico Yan sa panahon na iyon. Kinuwento rin niya na walang na siyang magagawa kung hindi humingi ng patawad o mag “public apology”. Naisip ko na grabe ang hirap maging journalist lalo na kapag kalaban mo ang mga importanteng tao sa media.

  “Be careful with quotes”
           Ito ang tumatak sa isip ko dahil sa huling tagapagsalita na si Ms. Marites Vitug. Tulad ni Ms. Jo- Ann Manglipon, naidemanda rin siya ng napakamahal na halaga na hindi ko na mataandaan. Sinabi niya na sa pagiging journalist niya ng sobrang tagal,  ang dami na niya naranasan at ang dami na rin niya natutunan. Sinabi niya na sa pagsusulat, mag-ingat sa mga sasabihin. Importante pa rin ang “telling the story straight” ang ibig sabihin ay walang halong kasinungalingan.

“Kahanga-hanga”
    Kahanga-hanga ang mga babae na journalist na mga ito. Wala silang kinakatakutan at walang silang ibang mithi kung hindi makasulat ng katotohan, magsulat ng walang halong kasinungalingan. Ganito dapat ang mga journalist sa ating bansa. Bilib talaga ako sa kanila, napakahusay!

Linggo, Pebrero 17, 2013

Bakit ako lagi nakangiti?


         Marami lagi nagtatanong sa akin bakit ako lagi nakangiti at kung nagagalit ba daw ako. Bakit daw lagi ako masaya, puro tweets ko nalang kailangan may smiley face at lagi positive kaya pag walang smiley alam na may problema ako. Hindi natural na  hindi positibo at masaya tweets ko. Nakakatuwa isipin, masaya ba talaga ako, porket nakangiti masaya na? Bakit hindi ko mailis ang ngiti sa pisngi? Sa tanong na nagagalit ako, syempre naman nagagalit ako.

        Nung grade 7 ako, ang sabi ng guro ko ako daw ang taong sa panahon na gumuho ang mundo o earthquake nakangiti pa rin ako. Siya ang unang nagsabi sa akin na lagi ako nakangiti. Hindi niya daw ako makakalimutan dahil habang nakikita niya ako lagi daw ako nakangiti. Isang dahilan siguro kaya ako nakangiti sa kanya ay dahil siguro paborito ko siyang guro at Filipino ang subject niya na paborito ko, pero hindi rin talaga ako sigurado.

          Sa high school naman ako unang tinanong na hindi ko lubos maisip ang sagot, may lasallian brother na sobrang bait at lahat binabati niya, lagi siya kumukuha ng picture ng mge estudyante. Isang araw patapos na ang recesss binati namin siya ng dalawa kong kaibigan pareho sila matangkad at tinanong niya sa kanila bakit ang tangkad nila at tumawa lang kami at kala ko tatanungin niya ako bakit maliit lang ako, pero ang tinanong niya sakin bakit ako lagi nakangiti? Hindi ko alam ang sasabihin, kaya ngumiti nalang ako at tumawa. Pagkatapos, mas lalo lang ata ako ginanahan ngumiti, hindi ko alam bakit. Pero masarap ang feeling na hindi ko ma explain.

     Syempre nagagalit rin ako dahil normal rin naman akong tao na may kakayahan mainis. Kadalasan pag nagagalit ako ang may alam lang ang mga sobrang malapit ko na mga kaibigan at pamilya. Kung tatanungin ako ko kung ano ang solusyon ko pag-nagagalit ako ay ang isasagot ko pagdadasal. Pinalaki kasi ako ng mga mga magulang ko na ang Diyos lang ang makakatulong sa lahat ng aking problema kaya ang iniisip ko sobrang pasasalamat ko sa Diyos dahil siya rin ang dahilan kung bakit ako nakangiti.

         Hindi ko lubos maisip ito at pagdating ko lang ng college mas lalo inintindi talaga na kung bakit nga ako lagi ngumingiti. May blockmate ako na katulad ko pero mas grabe siya parang lagi siya nakangiti hindi ko alam bakit. Tawag namin sa kanya Happy Henna. Sobrang saya niya kasama dahil lagi siya nakangiti parang ni minsan hindi pa siya nagagalit. Kapag sinasabi ko na lagi siya nakangiti ang sagot niya ikaw rin naman. Pati iba ko na blockmates sinasabi  na magalit daw ako sabi ko hindi ako katulad ni Henna. Sinabi ko na marunong ako magalit pero habang sinusubukan ko magalit hindi ko magawa dahil natatawa ako kasi pinapatawa nila ako. Dahil dito tinatawanan nila ako at sabi nila hindi ko daw talaga kaya magaalit. Dito ko lang na realize ang epekto pag-nakangiti lang ang taong kausap mo, ang saya sobra parang mga problema mo makakalimutan mo. Kaya nga, siguro gusto ko ngumiti kasi alam ko na nakakapagpagaan ang ako ng loob ng isang tao kahit papaano.

          Ang mga schoolwork ang nagpapastress sa linggo ko lalo na pag hell week. Hindi ko alam kung paano ko na kakayanan ang isang linggo ng sobrang stress. Ang daming mga sulatin na kailangan i-submit, may debate para sa english, quiz at projects. Feeling ko ata bibigay na katawan ko dahil sa kakulangan sa tulog. Pero ang naisip ko ay gustong-gusto ko pa rin pumasok sa school dahil sa mga  kaibigan ko at lagi rin ako masaya sa bahay dahil sa pamilya ko. Kaya naman kahit gaano pa ka stressful ang buong linggo ko ay sobrang nagpapasalamat ako kasi may pamilya at mga kaibigan ako na lagi nandyan nagpapasaya sa akin.

          Ngayon ko lang naisip na ang daming dahilan kung bakit ako lagi nakangiti at walang dahilan para hindi ako nakangiti. Masasabi ko na ako ay “blessed” o pinagpala ng Panginoon. Masaya ako dahil pinagpala ako ng Panginoon kaya walang araw na nakakalimutan ko magdasal. Sinusumulan at tinatapos ko ang aking araw sa pagdadasal at hanggang kaya ko ngumiti, ngingiti ako para naman may mapasaya rin akong ibang tao. 

   Ang buhay natin ay mahalga. Sobrang daming blessings ang binibigay ng Panginoon sa atin minsan nga lang hindi natin napapansin pero sa totoo lang,  kahit may mga problema tayo mas marami pa rin tayong dahilan para ngumiti. J J J

Sabado, Pebrero 16, 2013

Ano ang pangarap mo?


                    “Ano ang Pangarap mo?” Ito lagi ang kadalasan na tinatanong nung bata pa ako. Sa totoo lang ang dali  lang ito sagutin nung bata ako, hindi ko talaga kailangan isipin. Ang laging sagot ko ay ang mga karaniwang mga sagot ng isang batang sobrang taas magarap.

                    Ano ba ang pangarap? Sabi ni Cinderella, “a dream is a wish that your heart makes”. Ang ibig sabihin ay kung ano daw ang hinihiling ng iyong puso ay iyon rin ang iyong pangarap. Masasabi natin na totoo ito dahil hindi naman tayo mangagarap kung hindi talaga natin gusto. Ang mga totooong pangarap natin ay gustong-gusto natin matupad dahil ito ang magpapasaya ng sobra sa atin.

              Nakakatuwa isipin na lahat tayo mahilig mangarap dahil ito ang nagbibigay ng lakas sa atin magpursigsi sa buhay. Nakakatuwa isipin na nung bata tayo naranasan natin mangarap ng sobraang taas. Pag bata tayo ang taas natin mangarap dala siguro ng mg pinapanuod o binabasa natin na mga storya na may happy ever after.
       
              HAPPY EVER AFTER. Noong bata ako nangangarap ako na sana may genie namagtatanong sa akin ano ang tatlong kahilingan ko at tutuparin niya ito o di kaya sana may fairygod mother rin ako na sosolusyonan ang mga problema ko at iparamdam na princessa ako, gusto ko rin ng prinsipe na gagawin lahat para sa akin at maging katulad ni Mulan na sobrang tapang at gagawin lahat para sa pamilya niya. 

        Isa rin sa mga pangarap ko noong bata pa ako at hanggang ngayon ay maging isang lawyer dahil sa lolo ko. Ang lolo ko ay isang lawyer, kaya naman sabi ko nung bata ako gusto ko maging katulad niya. Ang gandang pakingan na isa kang lawyer. Isa itong dream job para sa akin nung bata ako kasi mahirap ang kailangan danasan para maging isang lawyer. Hindi ko talaga alam bakit pero bata pa lang ako gusto ko manuod ng news lagi, Interesado ako sa history at current events at lagi ako nagdedebate sa lolo ko,  pero ngayong matanda ko lang narealize kung bakit gusto ko talaga maging lawyer.

      PANGARAP KO MAGING ISANG LAWYER. Ito talaga ang gusto ko dahil alam ko pag-naging magaling ako na lawyer maraming tao ako matutulungan hindi lang ang pamilya ko. Meron mga panahon na sinasabi ko sa sarili ko kung kakayanin ko ba maging isang lawyer o baka naman bumagsak lang ako. Pero ang pamilya ko ang nagsasabi sa akin na makakaya ko mgaing lawyer kailangan ko lang mag-sipag at mag-aral ng mabuti. Sobrang saya isipin na may mga taong nainiwala na makakaya ko abutin ang aking pangarap. Dahil dito, mas lalo ako naganahan matupad ang aking pangarap. Hindi rin ako nawawalan ng pag-asa dahil alam ko pag-may may ginagawa ako para matupad ang pangarap ko tutulungan ako ng Panginoon para maabot ko iyon. Sabi nga nila, “Do your best and God will do the rest”.