Sa dinaluhan ko na “Filipino writers in Media
Now” talk na ginananap sa Escaler Hall, napahanga ako sa mga kuwento ng tatlong
tagapagsalita na sila Ma. Ceres Doyo, Jo-ann Manglipon at Marites Vitug.
Napahanga nila ako sa mga kuwento nila tungkol sa mga karanasan nila bilang
isang writer lalo na sa media.
Sa
totoo lang kala ko hindi ako magiging interesado dahil wala naman akong hilig
sa pagsusulat pero ng magsimula mag-salita si Ms. Ceres Doyo at mga nagawa niya
na sa larangan ng journalism o pagsusulat, nainganyo ka talaga making.
“Better dead than read: The years of writing
dangerously”
Ito ang
title ng powerpoint ni Ms. Doyo. Hindi ko inakala na hindi madali maging isang
writer, lalo na maging isang journalist. Sa kuwento ni Ms. Doyo ikinuwento niya
ang panahon ni Ferdinand Marcos at ang hirap magsabi o magsulat tungkol sa
katatohanan lalo na kung mapapahamak ka pag sinabi o nagsulat ka ng totoo na
ipapahamak ni Marcos. Kaya naman, saludo talaga ako sa mga journalist na walang
ginawa kung hindi magsulat ng katotohanan at hindi natatakot dahil alam nila na
mali na ang ginagagawa ng gobyerno.
Ang Hirap kapag
kalaban mo artista
Katulad ni Ms. Ceres Doyo, si Ms. Jo-ann Manglipon
rin ay may karanasan sa panahon ng “Marcos dictatorship”. Noong siya ay 23
taong gulang pa lang, nakulong na siya dahil sa pagsususlat. Bukod pa diyan,
nagkuwento rin siya tungkol sa pagdemanda sa kanya ni Claudine Barretto tungkol
sa article niya tunkol kay Claudine at sa kasintahan na Rico Yan sa panahon na
iyon. Kinuwento rin niya na walang na siyang magagawa kung hindi humingi ng
patawad o mag “public apology”. Naisip ko na grabe ang hirap maging journalist
lalo na kapag kalaban mo ang mga importanteng tao sa media.
“Be careful with quotes”
Ito ang tumatak sa isip ko dahil sa huling
tagapagsalita na si Ms. Marites Vitug. Tulad ni Ms. Jo- Ann Manglipon,
naidemanda rin siya ng napakamahal na halaga na hindi ko na mataandaan. Sinabi
niya na sa pagiging journalist niya ng sobrang tagal, ang dami na niya naranasan at ang dami na rin
niya natutunan. Sinabi niya na sa pagsusulat, mag-ingat sa mga sasabihin. Importante
pa rin ang “telling the story straight” ang ibig sabihin ay walang halong
kasinungalingan.
“Kahanga-hanga”
Kahanga-hanga ang
mga babae na journalist na mga ito. Wala silang kinakatakutan at walang silang
ibang mithi kung hindi makasulat ng katotohan, magsulat ng walang halong
kasinungalingan. Ganito dapat ang mga journalist sa ating bansa. Bilib talaga
ako sa kanila, napakahusay!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento