Sabado, Enero 19, 2013

Pakitang Gilas: Paano magpalilt ng flat tire


Para sa Pakitang Gilas, kinailangan ko pa tandaan ang mga natutunan ko sa T.H.E.(Technology and Home Economics) class namin kung paano magpalit ng gulong at nagsaliksik pa ako para alam na alam  ko ang mge gagawin sa video.  Isang araw bago gawin ang video nagpatulong ako sa driver ko magpraktis kung paano magpalit ng gulong para sa paggawa ng video kaya ko na gawin ito mag-isa. Nahirapan ako sa pag-taas ng jack kasi dati sa T.H.E. class namin hydraulick jack ang ginamit namin kaya mas madali kaysa sa karaniwang jack na kailangan mo talaga gumamit ng pwersa para mag-ikot upang maiaangat ang jack. Ginawa namin ni Tuesday na mag shoot para sa video ng Thursday ng umaga. Nahihiya ako dahil si Tuesday ang kukuha ng video at ako lang ang na sa video nagsasalita at gumagawa. Masaya gawin ang pakitang gilas dahil ang dami ko natutunan katulad ng pag-kabisado ng script ay napaka-importante at dapat walang kaba-kaba dahil makikita ito sa video. Sobrang natuwa naman ako sa kinalabasan na video kasi ang galing ni Tuesday mag-edit at mapagmamalaki ko sa mga tao na kaya ko magpalit ng flat tire.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento